Pagbaba ng maluntrisyon sa Region 1, ikinatuwa ng DSWD

Ikinatuwa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbaba ng maluntrisyon sa buong rehiyon uno dahil sa puspusang kampanya ng ahensya sa programang Supplementary Feeding Program.

Batay sa pinakahuling tala ng ahensya, may 7,436 na mga kabataan ang napabilang sa mga naibalik na normal na timbang, samantalang nasa 2,698 naman ang nanatiling underweight sa mahigit na 74,170 day care children sa loob lamang ng 120 na araw.

Kasabay sa naturang programa ay ang pagbibigay karagagang kaalaman sa tamang paghahain ng pagkain sa hapagkainan.

Ayon kay Nutritionist Dietician Alma Gonzales, malaking tagumpay ang programa sa loob ng isang taon, na magtutuloy-tuloy naman upang mabawasan o maibsan ang mga underweight na mga bata sa rehiyon. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*