Team Pangasinan, nasungkit ang Overall Championship sa katatapos na 2012 Batang Pinoy

Nasungkit ng Pangasinan ang Overall Championship sa katatapos lang na 2012 Batang Pinoy Northern Luzon Qualifying Leg ng Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission dito sa lalawigan.

Tinapos nina Samantha Glo Revita at John Enrico Vasquez sa chess at karatedo ang kampeonato, kung saan nakapag-uwi ang buong koponan ng Pangasinan na may 70 gold medals, 80 silver at 80 bronze medals.

Sumunod dito ang Baguio City na may 65 golds-56 silver-48 bronze habang ang Malolos, Bulacan; naman ang pumangatlo na may 16 golds-11 silver-10 bronze outputs.

Lubos naman ang kasiyahan ni Pangasinan Gov. Amado Espino sa naging resulta, na aniya’y patunay na hindi nababalewala ang pagsisikap sa programang pampalakasan sa rehiyon, na inaasahang susulong ang Team Pangasinan para sa Philippine Olympic Games. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*