AUTOPRO Pangasinan, malabo umanong magpatupad ng pagtayas sa pasahe

Malabo umanong maipatupad ang siyete pesos na pagtapyas sa pamasahe sa pampasaherong jeep sa kabila ng tuloy-tuloy na oil price rollback ngayong last quarter ng taon.

Ayon kay Benny Aquino, Alliance of United Transport Organizations Province-Wide (AUTOPRO) President ng Pangasinan Chapter, mangyayari lamang ang sinasabing rollback sa pasahe kung bababa ang presyo ng langis sa halagang 36 pesos sa merkado.

Sa ngayon, wala pang abiso ang AUTOPRO sa pagtapyas ng pamasahe dahil sa wala umanong katiyakan ang paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo na ipinatutupad ng mga oil players.

Iginiit pa ni Aquino na malaking kalugihan sa kanilang sector kapag maipatupad ang siyete pesos na pagtpyas sa pamasahe. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*