Pagdiriwang ng “DTS Week” ng TESDA Region 1, nagpapatuloy

Ipinagdiwang ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa rehiyon uno ang ‘DTS Week’.

Layon nitong palawakin at magtatag ng tuloy-tuloy ang pagtanggap sa Dual Training System (DTS) bilang paraan ng pagsasanay ng ahensya.

Ang selebrasyon na may temang “School-Industry Partnership for Global Competitiveness through DTS,” ay naglalayong palawakin ang kaalaman, pagtanggap at himukin ang aktibong partisipasyon ng Technical Vocational Institutes (TVI), establisiyemento, mag-aaral, lokal na pamahalaan at mga stakeholders sa DTS bilang paraan ng pagsasanay.

Ang DTS ay isang paraan ng pagsasanay sa ‘enterprise-based training’ sa pilipinas ngayon na ipinatupad ng TESDA, na kung saan pinagsama ang kaalaman at praktikal na pagsasanay sa paaralan at sa training center o kumpanya. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*