Pagresulba sa umanong black sand mining sa San Fabian, dapat umanong pangunahan ng PENRO

Dapat umanong pangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagresolba at pagsagot sa mga katanungan ng taumbayan kaugnay sa umanong black sand mining sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Ayon kay BM Von Mark Mendoza, ng ikalawang distrito ng Pangasinan at Chairman ng Committee on Environment na dapat ipatupad ng DENR ang batas ukol dito, at nararapat lamang na malaman ng publiko kung ano talaga ang polisiya ng ahensya patungkol dito.

Dagdag pa ni Mendoza, dapat ipatawag ng Province Environment and Natural Resources Office (PENRO) at ang lokal na pamahalaan ng San Fabian upang pagpaliwanagin sa Sangguniang Panlalawigan kaugnay sa dredging sa naturang bayan na umanoy cover-up lang ang mining.

Samantala, tikom naman ang bibig ni BM Von Mark Medoza sa umanoy black sand mining sa bayan ng Lingayen dahil pinaguusapan na raw ito sa korte. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*