Special Task Group, binuo ng Pangasinan PPO

Bumuo na ang Pangasinan Police Office ng isang special task group na siyang tututok sa 2013 elections sa lalawigan.

Ito’y kaugnay pa rin sa pagkakasali ng lalawigan sa labin limang “areas of concern” sa buong bansa na tinukoy ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Sinabi ni Police S/Supt. Mariano Luis Versoza, OIC Provincial Director, na pangunahing konsintrasyon nila ang pagbuwag sa mga Private Armed Groups (PAGS) at iba pang grupong na maaaring maging banta ng karahasan.

Tinitiyak naman ng Pangasinan PPO na mahigpit nilang babantayan ang mga panibagong umuusbong na Private Armed Groups dahil baka magamit lamang ito ng ilang pulitiko. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*