Mga batang nasa kostudiya ng DSWD, isinasailalim sa counseling at basic education

Pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office na kinukulong nila ang mga batang nasa kanilang kostudiya.

Binigyang diin ni Irene Delos Reyes Cubangbang, Public Information Officer ng DSWD Region 1, na isinasailalim nila sa counseling at basic education ang mga batang nasa kanilang kostudiya bilang bahagi sa pagbibigay nila ng pag-asa at magandang pananaw sa buhay.

Idinagdag pa ni Cubangbang, na pansamantala lang sa kanilang kostudiya ang mga bata kaya tinitiyak nilang may transpormasyong nangyayari sa mga ito habang kanilang kinukupkop.

Itoy kaugnay sa pangamba ng ilang mga kabataan na posibleng may takot ang ilan na pumasok sa naturang developmental sessions ng ahensya. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*