Mga programa ng DSWD Region 1, wala umanong bahid pulitika

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 na walang kinalaman ang ahensiya sa isyu ng pulitika.

Kaugnay ito sa naglalabasang isyu sa pagpili ng potential na mga benepisyaryo ng ahensiya.

Ayon kay Regional Information Officer Irene Delos Reyes Cubangbang, ng DSWD Region 1, hindi ang mga opisyal ng barangay o ng bayan ang pumipili sa mga benepisyaryo nito kundi batay sa ginawang National Household Targeting na nagdidetermina kung aling pamilya ang nasa mahirap na kalagayan.

Sinabi pa ni Cubangbang na ito ang mga kwalipikasyon na tinitingnan ng ahensiya upang matiyak ang pagiging miyembro nito sa Pantawid Pamilya Filipino Program o 4P’s ng pamahalaan.

Iginiit ng opisyal na nasa tamang proseso ang ahensiya sa naturang isyu at walang bahid pulitika ang kanilang programa. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*