Fun Run ng Red Cross Pangasinan, matagumpay

Mahigit limang libo ang mga lumahok sa isinagawang million volunteer run ng philippine red cross dito sa pangasinan.

Ayon kay Pangasinan Red Cross Chapter Administrator Florame Magalong, sumubra pa ang nasabing bilang sa target nila ngayong taon para sa nasabing fun run.

Nabatid na ang volunteer fun-run ng red cross ay sabay na isinagawa sa dalawang magkahiwalay na lugar, isa sa lungsod ng Dagupan at sa bayan ng Rosales, Pangasinan.

Inaasahan naman ni Magalong na ang mga lumahok sa fun run ay magiging volunteer din sa pagbibigay ng dugo sa panahon ng kalamidad.

Ayon naman kay Dr. Carmelo Vidal, ang Chairman ng million volunteer run, ang mga runners ay hindi lang naging bahagi sa pagliligtas ng buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng dugo kundi sa kanilang ipinakitang suporta at serbisyo. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*