Special Validation para sa biktima ng kalamidad, sinimulan na ng DSWD Region 1

Naumpisahan na ang special validation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 Office upang masiguro ang actual na bilang ng mga biktima ng mga nagdaang kalamidad na tiyak na makakakuha ng government assistance.

Ang nasabing validation ang sumasakop sa mahigit anim na pung libong pamilya mula sa mga lalawigan ng La Union, Pangasinan at Ilocos Sur.

Ang National Household Targeting Unit ng DSWD ang naatasang magsagawa ng validation na nag-umpisa lang ngayong buwan ng Pebrero at inaasahang matatapos ngayong buwan ng Marso.

Sinabi ni Jaesem Ryan Gaces ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), ang bilang ng mga pamilya na apektado ng kalamidad ay iniipon mula sa mga field offices sa bawat munisipyo kung saan tumama ang nasabing kalamidad. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*