Agriculture Office ng San Fabian, naaalarma dahil sa isang rabbies victim

Naaalarma umano ang Municipal Agriculture Office sa bayan ng San Fabian, Pangasinan dahil sa dimanoy pagkasawi ng isang residente dahil sa rabbies infection.

Nabatid na isang nagngangalang Joselito Iristangcol, residente ng naturang bayan ang kamakailan ay binawian ng buhay dahil umano’y nakagat ng aso.

Agad naman umano itong dinala sa Region1 Medical Center, sa lungsod ng Dagupan upang masuri  at nagpositibo nga ito sa  rabbies.

Taliwas naman ito sa report ng San Lazarro Hospital Metro Manila na komplikasyon ang ikinamatay nito bagay na kailangan umanong pag-aralan ng bayan ng San Fabian, Pangasinan dahil sa nakaaalarmang pangyayari. (Report from Genevive Ocampo – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*