Comelec, umapela sa mga local candidate na magkaroon ng delikadesa

Magkaroon sana ng delikadesa!

Ito ang apela ngayon ni Provincial Comelec Supervisor Atty. Marino Salas kaugnay sa nalalapit na pagtatapos ng mga kabataang estudyante sa ibat-ibang paaralan sa lalawigan.

Ayon kay Salas, umaasa siyang maiisip ng mga lokal na kandidato sakaling maiimbitahan ang mga ito na magkaroon ng delikadesa sa paggamit ng pagkakataong ikampanya ang sarili sa harapan ng mga magsisipagtapos.

Kaugnay nito, una nang inihayag ng mga Deped Pangasinan na mahigpit nilang ipinagbabawal ang pag-iimbita ng mga lokal na kandidato sa graduation rite ng mga estudyante. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*