Deped, hindi magbibigay ng imbitasyon sa mga kadidato sa graduation rites

Mahigpit na susundin ng deped ang panuntunan sa hindi pagbibigay imbitasyon sa mga lokal na kandidato ngayong darating na graduation rites.

Ayon pa kay Delia Ancheta ng Deped Division1, makakaasa ang publiko na hindi magagamit ng sinumang kandidato ang pagdaraos ng graduation ceremony sa personal nitong pangangampanya.

Ngunit nagpaalala rin ang Deped na tanging mga nakaupong opisyal lang umano ang pahihintulutang dumalo sa isang seremonya dahil instant na umano itong miyembro ng committee on education.

Ang nasabing usapin ay tahasang ipinapaalala sa lahat ng pampublikong paaralan na maging maingat sa pagpapagamit sa mga pulitiko. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*