Earth Hour 2013 sa Pangasinan, pangungunahan ng PENRO sa Dawel River

Pangungunahan ng Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO Pangasinan ang selebrasyon ng Earth Hour 2013, sa lalawigan katuwang ang RLL Group of Jollibee Store Dagupan Branch.

Ang naturang selebrasyon ay bilang pakikiisa sa sabay-sabay na pagpapatay ng ilaw sa loob ng isang oras mula alas otso hanggang alas nuebe ng gabi

Gaganapin ang naturang aktibidad sa Dawel River Cruise sa lungsod ng Dagupan ganap na alas sais ng gabi ngayong darating na Marso 23, sabado na may temang “Bee Ignited to Floating Lantern for a Cause”.

Layon umano ng nasabing aktibidad na makiisa sa paglaban sa global warming hindi lang sa buong bansa kundi maging sa buong mundo. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*