Kaligtasan ng mga buntis, patuloy na tinututukan ng PHO

Isang ligtas na pagbubuntis, panganganak at responsableng pagiging nanay ang ilan lang sa mga naging puhunan ng Phil Obstetrical and Gynecological Society Inc., ng Ilocos at Provincial Health Office sa kasalukuyang Womens Month Celebration sa lalawigan ng Pangasinan

Ayon pa kay PHO Chief Dr. Ana Maria De Guzman, nakatutok mismo ang probinsiya ng Pangasinan sa pag-alalay sa mga buntis na mga nanay para maiwasan ang mortality rate sa lalawigan.

Ilan sa mga aktibidad at serbisyong naihandog ng dalawang ahensiya ay ang pre-natal chek up, laboratory services, at ang libreng enrolment sa mga ito sa Philhealth Corporation para sa maternity benefts ng mga ito.

Taunan ring isinasagawa ng probinsiya ang buntis congress bilang bahagi ng Millenium Development Goals sa pag-iwas sa mortality rate sa Pangasinan. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*