Pangangampanya ng mga lokal na kandidato sa Semana Santa, mahigpit na ipagbabawal ng Comelec Pangasinan

Nagpapaalala ngayon ang Provincial Elections Office, sa mga lokal na kandidato ng lalawigan ng Pangasinan na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya sa papalapit ng Semana Santa.

Ayon kay Provincial Comelec Supervisor Atty. Marino Salas, opisyal aniya itong babala sa mga kandidato lalo’t papatak sa March 29 ang opisyal na pagbubukas ng Local Election Campaign.

Alinsunod aniya sa Comelec Resolution 9615 kahit ang botante o mismong kandidato ay hindi papahintulutang mangampanya o ikampanya  ng sinuman sa mismong holyweek.

Babala pa ng ahensya na oras na mamataan ng Comelec Officials ang mga lokal na kandidato sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga poster, streamers at flyers maaaring madiskwalipika sa posisyong tinatakbuhan nito. (dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*