Vice Mayor Hallare, opisyal ng nanumpa bilang bagong alkalde ng Lingayen

Opisyal nang nanumpa bilang bagong alkalde ng bayan ng Lingayen, Pangasinan bilang kapalit sa namayapang alkalde na si Mayor Jonas Castaneda.

Ayon sa bagong upong mayor na si dating Vice Mayor Edith Hallare, hindi muna ito maaaring gamitin nang biglaan ang Mayors Office bilang pagbibigay respeto sa hindi pa naililibing ang dating mayor ng bayan.

Siniguro naman ni Hallare na walang pagbabagong gagawin ang pamunuan nito lalo na sa mga empleyado ng Mayors Office.

Ang tanging magagawa lang umano ngayon ng bagong administrasyon ni Hallare ay ang ipagpatuloy ang nasimulang mga proyekto ni dating Mayor Castaneda. (report from Roger Codnita – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*