Mango-Bamboo Festival sa San Carlos City, pormal nang nagbukas

Pormal na nagbukas ngayong araw ang Mango-Bamboo Festival sa siyudad ng San Carlos.

Inumpisahan  ito sa pamamagitan ng thanks giving mass kaninang alas 7:00 ng umaga at sinundan ng opening parade sa kahabaan ng Rizal Street  na sinundan din ng opening program para sa farmers and home makers day at trade fair sa city plaza.

Samantala, gaganapin ngayong gabi ang Senior Citizen na retires night na ayon kay city information officer rachelle sapingao na inaasahang magiging Guest of Honor si Governor Amado T. Espino kasama ang Vice Governor Ferdinand Calimlim.

Ayon pa kay Sapingao, matutunghayan naman bukas ang gagawing liga ng barangay competition sa mga punong barangay na napili mula sa mahigit na walongpong Barangay Chairman sa siyudad ng San Carlos. (from Lerna Hernandez, DZRD Reporter)

Speak Your Mind

*