National Training Camp ng Junior NBA, isasagawa sa Dagupan

Isa ang lungsod ng dagupan sa mga piniling lugar sa buong bansa kung saan isasagawa ang National Training Camp para sa Junior National Basketball Association (NBA) Philippines 2013 na nakatakda sa april 28 ngayong taon.

Dito mapapanood ang exihibition games ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), National Collegiate Aathletic Association (NCAA) at provincial school leagues kung saan tampok dito ang Jr. NBA All Stars Alumni mula 2007 hanggang 2012.

Ang Jr. NBA All Stars Alumni ay kinabibilangan ng University of Sto. Tomas, University of the Philippines, University of the East, National Rniversity, de La Salle, Ateneo, San Sebastian, Jose Rizal at Ateneo de Cebu.

Speak Your Mind

*