Pistay Dayat 2013, pormal ng magbubukas

Pormal nang magbubukas ngayong araw ang selebrasyon ng pistay dayat 2013 na nasasaksihan sa Capitol Beachfront at Pangasinan Training and Development Center (PTDC) alas kuwatro ng hapon.

Pangungunahan ni Gov. Amado T. Espino ang ribbon cutting bilang hudyat ng pagbubukas ng okasyon kabilang na ang 6th Pangasinan tourism and trade expo, at “dakep tan dayew na pangasinan” o photo exhibit.

Masasaksihan din ang festival streetdancing, drum and lyre exhibition, mapapanood din ang pagsasayaw ng danggoan cultural dancers sa kanilang sea dance offering at ang pagtatanghal ang pangasinan novelty singer insiong  at banda ni ate.

Samantala, inaasahan naman ang pagdagsa ng mga pangasinense, kung saan noon nakaraang taon ay umabot sa mahigit limang libo ang nakiisa sa okasyon.

Speak Your Mind

*