2 kumandidatong senador, tanggap na ang pagkatalo

Itinaas na ng ilang kumandidatong senador ang kanilang puting bandera bilang pagsuko sa resulta ng sa katatapos na eleksyon.

Kapwa nagpasalamat sina Senatorial Candidates Milagros ‘Mitos’ Magsaysay at Teddy Casiño sa kanilang mga supporter na naniwala sa kanilang mga ipinaglalaban.

Ayon kay Casiño, base sa itinatakbo ng resulta ng botohan ay tanggap na niya na pang-22 siya sa listahan at hindi na gumagalaw pa kaya batid niyang hindi na ito magbabago pa.

Sinabi naman ni Magsaysay na natutuwa siya at nakasalamuha at nakausap niya ang iba’t ibang uri ng tao noong panahon ng kampanya.

Speak Your Mind

*