Ai-Ai Delas Alas, kinumpirmang hiwalay na sa mahigit isang buwan pa lang na mister

Kinumpirma ngayon ng komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas na hiwalay na sila ng higit isang buwan pa lang niyang mister na si Jed Salang.

Ayon sa Comedy Concert Queen, noong may 2 nang nagdesisyon siyang tapusin ang lahat sa pagitan nila ng mister matapos ang mainitan nilang pagtatalo na nauwi sa sakitan.

Hindi raw kasi siya pumayag sa hiling ni salang na mag-casino sila dahil hindi umano yun maganda para sa kanya na nakikita sa casino kaya sila’y nagtalo.

Humantong daw sa pisikalan ang kanilang away kung saan hinila siya ni salang sa sahig, hinahagis sa kama at sinampal.

Dagdag pa ng aktres, noon pa man ay may mga ginagawa na ang kaniyang mister na mali na kaniya raw itinago para palabasing masaya ang pagsasama nila dahil sa pangarap niyang fairytale na buhay.

Kaugnay nito, ipinapaubaya na niya aniya sa kanyang mga abogado ang susunod na legal na hakbang kabilang ang posibleng diborsyo.

Speak Your Mind

*