Annabelle Rama, wala umanong pinagsisihan sa pagtakbo sa pulitika

Hindi dinaramdam ng Talent Manager na si Annabelle Rama ang kanyang pagkatalo sa kadidatura para Congresswoman sa Unang Distrito ng Cebu.

Base sa Post nito sa kanyang Official Twitter Account, isa umanong magandang Experience ang pagtakbo niya sa pulitika dahil marami siyang natutunan.

Kasabay nito, nagparating din ng mensahe si Annabelle sa kanyang nanalong katunggali na si Raul Del Mar, na unahing tulungan gamit ang Pork Barrel ang mahihirap sa ibat ibang bahagi ng Cebu North District.

Pinasalamatan din ni Annabelle ang magkakapatid na Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez at maybahay ng Veteran Actor na si Eddie Gutierrez ang kanyang Supporters sa North District ng Cebu City.

Bukod sa kanyang pamilya, sumuporta rin sa kandidatura ni Annabelle sina Anne Curtis, Carla Abellana, Lovi Poe, at iba pa.

Speak Your Mind

*