Arestado sa vote buying sa kasagsagan ng 2013 midterm elections, 74 katao

Arestado ng Pphilippine National Police (PNP) ang siyam na pu’t apat na sangkot sa pamimili ng boto sa kasagsagan ng 2013 midterm elections.

Ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima, nakumpiska sa mga nahuling lumabag sa vote buying ang mahigit p1.6 million.

Napag-alaman ng mga tauhan ni Purisima na ginamit ang p1.6 million sa panunuhol para iboto ang partikular na kandidato.

Limampu’t siyam sa mga naaresto ang kinasuhan habang tatlumpu’t lima rito ang kasalukuyan pang iniimbestigahan.

Speak Your Mind

*