BFAR, nagbabala sa mga bangus grower kaugnay sa Neap Tide

Nagbabala ngayon ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa lahat ng mga nag-aalaga ng bangus na bawasan ang kanilang stock sa kanilang fish pen para masiguro ang sapat na dissolved oxygen para sa isda at maiwasan ang fish kill.

Ayon kay Dr. Westly Rosario, ang Chief ng BFAR’S National Integrated Fisheries Technology Development Center, nababahala umano sila dahil nagkakaroon ng neap tide o alaal sanhi ng hindi paggalaw ng tubig sa kailugan at walang mechanical production ng dissolved oxygen sa tubig.

Sinabi pa ni Rosario na ang bayan ng Sual ay ligtas na sa panahon ng neap tide dahil meron silang mariculture technology kung saan ang mga circular fish cages ay naitayo na may distansyang 10 to 15 meters.

Sa kalagayan naman ng Caquipotan Channel sa pagitan ng Anda at Bolinao ay hindi na rin nangangamba sa fish kill dahil mas maayos na ngayon ang pagkakagawa sa mga fish cage kung saan sinusunod na rin ang tamang distansya ng mga ito.

Speak Your Mind

*