Candice Glover, kinilalang American Idol Season 12 Winner

Tinanghal na panalo ng sikat na reality contest na american idol season 12 si Candice Glover kaninang umaga sa Kodak Theatre sa United States of America.

Samantalang tinanghal naman na second runner-up ang kanyang katunggaling si Kree Harrison.

Naging emosyonal si Candice sa kanyang pagkapanalo at lubos na nagpasalamat sa lahat ng bumoto sa kanya at pati na rin sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Inawit ni Glover ang kanyang bagong single na “i am beautiful” na ayon pa sa host na si ryan seacrest ay maaari nang ma-pre-order.

Sa gabi ng finale, nag-perform ang mga hurado ng show na sina Mariah Carey, Nicki Minaj, Keith Urban at Randy Jackson na naging emosyonal sa kanyang pagpapaalam sa show.

Speak Your Mind

*