Comelec Rosales, 90% nang handa sa eleksyon

Siniguro ng Comelec Rosales ang kanilang kahandaan sa pagboto ng may 38,113 registered voters sa bayan ng Rosales, Pangasinan sa darating na May 13 midterm election.

Sakatunayan, ayon kay Comelec Officer Feliciano Casingal, nasa 90% na ang kanilang ginagawang paghahanda, kasama na ang testing at posting ng mga Board of Election Inspector o BEI’S sa iba’t-ibang presento sa lugar.

Mayroon na rin umanong 150 BEI’S, 56 PCOS Machines at sa kasalukuyang may nakatalaga ng 20 Army personnel kung saan ang Rosales ay kabilang sa area of concern sa Pangasinan.

Ganunpaman, idinagdag ni Casingal wala silang natatanggap na complains sa mga kandidato maliban sa oversized campaign posters at wala sa lugar na paglalagay ng mga ito na agad naman tumatalima alinsunod sa batas ng comelec. Report from Maila Calderon – dzrd reporter)

Speak Your Mind

*