Contingency Plans para sa posibleng aberya sa suplay ng kuryente sa araw ng halalan, ikinasa ng DOE at NGCP.

Kasado na ng Department of Energy (DOE) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Contingency Plans para sa posibleng aberya sa suplay ng kuryente sa araw ng halalan sa lunes.

Ito’y upang hindi na maulit ang nangyaring malawakang brownout sa malaking bahagi ng luzon noong miyerkules.

Aminado si NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza na ikinagulat din nila ang saba-sabay na pagkawala ng kuryente sa rehiyon.

Tinitiyak naman ni Pangulong Noynoy Aquino 3rd na walang magaganap na no elections sa lunes dahil sa idinulot ng hindi inaasahang pangyayari.

Speak Your Mind

*