Daang-daang mga Kurtish dinukot ng mga Syrian rebels

Kinidnap ng ilang rebeldeng Syrian ang daan-daang mga Syrian Kurds sa Northern Province ng Aleppo, Syria.

Sa ulat ng Britain-Based Syrian Observatory for Human Rights, hawak umano ng mga kidnappers ang mga hostages sa isang bayan sa hilagang bahagi ng Aleppo.

Ayon din sa isang tala, may naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga Kurdish militants at ilang rebelde sa hilagang Syria na naging dahilan ng pagsugod at pagsakop ng mga rebelde sa bayan ng Ras Al-Ein na pinamumugaran ng mga Kurdish.

Dagdag pa ng observatory, may mga natagpuan ding mga bangkay ng ilang mga government troops malapit sa Koerse Military Airport noong lunes.

Speak Your Mind

*