Ecowaste Caolition nagpa-alala hinggil sa pagbili ng school supplies

Lumabas sa survey ng Ecowaste Coaliton na mataas ang content ng lead ng mga school supplies na binebenta sa Divosoria, Maynila, Araneta Center at Mega-Q Mart sa Quezon City

Ayon pa kay Dr. Bessie Antonio isang Pediatric Toxicologist ng East Avenue, Medical City, ang mga produktong ito ay ang yong xin two hole puncher, watercolor set, colored thumb tacks, colored butterfly clips, play magnet set, PVC plastic envelope, metal ruler with PVC design, play blackboard at pencil

Dagdag pa ni Antonio, ang matagal na exposure ng mga bata sa lead ay maaaring makaapekto sa brain fucntion at ito’y hindi na magagamot pa at may life-long impact.

Pinayuhan naman ni Thony Dizon, Coordinator ng ECO Waste Coalition Project Protect na mag-ingat ang publiko sa pamimili ng school suplies sa naturang pamilihan.

Speak Your Mind

*