Fiscal Management, tututukan ni Mayor Elect Belen Fernandez

Tutukan ngayon ni Dagupan Elect Mayor Belen Fernandez ang Fiscal Management ng lungsod sa darating na buwan ng Hulyo.

Ayon kay Fernandez, ilang buwan na rin ang nakakaraan na malalaking dagok at problema ang kinaharap ng siyudad hinggil sa gastos ng bayan, proyekto na hindi umano dumaan sa bidding process.

Dagdag pa ni Fernandez, anumang buwis ang ibinayad ng taumbayan, kailangan aniyang bumalik ito sa pamamagitan ng mga karapat-dapat na proyekto at programa.

Pagdidiin pa ni Fernandez, kailangan na ring mahinto ang graft at korapsiyon sa siyudad maging ang talamak na droga sa lugar.

Speak Your Mind

*