Gusot sa pagitan Legarda at Cayetano, inayos ni Pnoy

Mismong si Pangulong Noynoy Aquino at Team P-noy na ang humikayat kina Senador Loren Legarda at Senador Alan Cayetano na isantabi muna ang kanilang hidwaan.

Ayon sa Pangulo, nakipag-usap na siya kina Legarda at Senador Chiz Escudero habang si Local Government Secretary Mar Roxas ang pormal na kumausap kay Cayetano.

Ani pa ni Pangulo, hinikayat na niya ang parehong kampo na itigil na ang bangayan dahil pare-pareho aniya silang hindi makikinabang kung mag-a-away-away lamang ang mga ito.

Magugunitang kamakailan ay nabunyag na nagmamay-ari si Legarda ng pitong daang libong dolyar na condominium unit sa Manhattan, New York kung saan sinasabing hindi nito naideklara sa kaniyang Statement of Assets and Liabilities and Net worth (SALN).

Ayon kay Legarda, isa aniya itong “Bblack Propaganda” at bagama’t hindi pinangalanan ay sinasabing si cayetano ang nasa likod ng kampanya upang sirain siya ngayong halalan.

Speak Your Mind

*