Ina ni Charice, nagsalita na hinggil sa katauhan ng anak

Nagsalita na ang ina ni Charice na si Racquel Pempengco hinggil sa katauhan ng kanyang  anak.

Ito’y sa gitna ng napapaulat na nakatakdang ianunsyo ng singing sensation ang totoong sekswalidad nito sa isang panayam na hindi pa naipalalabas.

Una ng naging usap-usapan na “tomboy’  si Charice matapos ang mga pagbabago nito kung saan napakaikli ng buhok, nagpa-tattoo at kumalat ang mga larawan sa internet na may kasamang babae.

Ayon kay Racquel, bilang ina, wala siyang ibang inaasam kundi ang kapakanan at kaligayahan ng kanyang anak.

Idinagdag pa ni Racquel na binibigyan niya ng permiso ang anak na ilabas ang tunay na katauhan, dahil nirerespeto umano niya kung ano ang gusto nitong sabihin sa publiko.

Speak Your Mind

*