Intertropical Convergence Zone, patuloy na makaka-apekto sa Timog ng Mindanao

Makaka-apekto ngayong araw sa Timog ng Mindanao ang isang Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Sa pagtaya ng pagasa, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mimaropa, kanlurang kabisayaan at ang mindanao.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap na may mga pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi sa metro manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Samantala, maglalaro sa 25 hanggang 35 degree celcius ang temperatura sa metro manila ngayong araw.

Speak Your Mind

*