Maagang pagkuha ng accreditation sa liquor ban para sa Barangay at SK Eleksyon, muling ipinaalala

Muling nagpaalala ang Department of Tourism Region 1 sa mga may ari ng hotels at resorts sa rehiyon uno na mag apply na ng mas maaga para sa accreditation upang maging exempted sa ipapatupad na liquor ban o pagbabawal sa pagtitinda ng mga nakakalasing na inumin sa araw ng barangay election sa buwan ng Oktubre ngayong taon.

Ayon kay DOT Region Information Officer Evangeline Dadat, mas mainam na mas maaga kumuha ng naturang accreditation para hindi maubusan ng oras gaya nang nangyari sa katatapos na election kung saan last minute kumuha ang mga may ari ng hotels at resorts.

Dagdag pa ni Dadat, hindi madali ang pagkuha ng accreditation dahil maraming requirements ang kakailanganing bago payagang makapagbenta ng alak sa panahon ng eleksyon.

Samantala, nilinaw ni Dadat na tanging ang mga lehitimong hotels at resorts lamang ang pwedeng kumuha ng accreditation na tumatanggap ng mga banyagang bisita. (from dzrd newscenter)

Speak Your Mind

*