Pagtitipid ng kuryente sa araw ng eleksyon, hiling ng DOE

Nanawagan si Energy Secretary Jericho Petilla sa mga negosyante at mall owners sa Luzon na magtipid sa kuryente kahit sa mismong araw lang ng eleksyon sa lunes.

Ayon kay DOE Secretary Petilla, mas makabubuti aniya kung babawasan ang consumption sa lunes kahit na sapat ang suplay ng kuryente sa bansa sa kabila ng sunod-sunod na brown-out na naranasan ntong nakaraang dalawang araw.

Kung maari aniya ay alas dos ng hapon na lamang magbukas ng kanilang establisyimento ang mga negosyante upang mas maraming reserbang kuryente.

Humingi rin naman ng saklolo si Petilla sa mga negosyante at mall owners sa Mindanao sa harap ng banta ng pagtindi ng malawakang brownout doon.

Pagsuyo pa ni Petilla, isang araw lamang aniya ang mawawala sa negosyo sa loob ng isang taon.

Speak Your Mind

*