Mga magsasaka sa Calasiao, patuloy na nakakatanggap ng ayuda

Wala umanong dapat ipangamba ang mga magsasaka sa bayan ng Calasiao, Pangasinan na nahaluan ng kemikal na pataba ang mga subsidized seeds na ipinamahagi ng Department of Agriculture.

Tiniyak din ni Municipal Agriculturist Lita Fabia, na mas ligtas kainin at masustansiya ang mga nasabing subsidiyang binhi na mula sa kanilang tanggapan.

Kasabay nito, hinihikayat nito ang lahat ng mga magsasaka na maging organic conscious sa pananim bilang pakikibahagi na rin sa kapaligiran at kalusugan ng mga ito.

Dagdag pa ni Fabia, iwasan ang mag-spray ng kemikal sa mga pananim na makasisira lang sa potensiyal ng maging binhi ang aanihing palay. (Report from Lryna Hernandez)

Speak Your Mind

*