Miami Heat, nanalo sa game 4 kontra Chicago Bulls

Tinambakan ng Miami Heat ng dalawampu’t tatlong puntos ang Chicago Bulls sa score na 88-65 sa kanilang game 4 dahilan upang maging 3-1 ang standing kung saan lamang ang Heat.

Pinagana ni Lebron James ang kanyang galing para sa Miami Heat dahilan upang makalayo ang puntos ng Heat sa Bulls mula sa umpisa pa lamang ng laro.

Magaganap ang game 5 ng Miami Heat at Chicago Bulls sa huwebes ng alas-siyete ng umaga sa oras ng Pilipinas.

Speak Your Mind

*