MWSS, Planong buwagin ng Konggreso

Bubuwagin na ng Kongreso ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at papalitan ito ng isang na komisyon na tututok sa problema ng supply ng tubig sa buong bansa.

Ito ang nakapaloob sa isang panukalang batas na inakda nina House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. at House Majority Leader Neptali Gonzales II na posibleng maipasa sa susunod na Kongreso.

Base sa nasabing panukala, magtatatag ang Gobyerno ng bagong ahensya na tatawaging Water Regulatory Commission, na Independent at Quasi-Judicial Regulatory Body na mayroong Central at Provincial Regulatory Unit.

Dahil dito, bubuwagin ang MWSS at maging ang National Water Resources Board Local Water Utilities Administration  at ibibigay sa WRC ang lahat ng kanilang tungkulin

Speak Your Mind

*