Pag-ulan na nararansan ngayon, posibleng magpapatuloy pa ayon sa pag-asa.

Nagbabala ang pagasa na posibleng marami pang mga pag-ulan  at pagkilat na mararanasan sa Metro Manila at Luzon gayundin sa Western Visayas at Mindanao.

Ito ayon sa PAGASA ay sanhi na rin ng buntot ng cold front na nakakaapekto sa hilagang Luzon at Inter-Tropical Convergence Zone na nakakaapekto sa Mindanao.

Una rito, inulan ang ilang bahagi ng metro manila at ang karatig na lalawigan ng Rizal kagabi.

Sa advisory ng pag-asa, sinabi nitong ang mga pagkidlat na may kasamang bahagyang pag-uulan ay nakaapekto sa Taguig City, Pateros, Diliman at Cubao sa Quezon City at Marikina City.

Gayundin sa Pasig City, San Juan City, Mandaluyong City, Makati City at Cainta sa lalawigan ng Rizal.

Speak Your Mind

*