Paghagupit ng buhawi sa Texas, anim na katao ang patay

Anim ang patay matapos hagupitin ng buhawi ang bayan ng granbury sa Texas, USA.

Ayon kay Hood County Sheriff Roger Deeds, pinangangambahang umakyat pa ang bilang ng nasawi sa patuloy na isinasagawang rescue operations.

Pito pa ang nawawala habang 45 naman ang naospital.

Ilang kabahayan sa 70 milya (110km) kanluran ng Dallas ang iniwang wasak ng buhawi.

250 indibidwal ang inilikas matapos ang insidente.

Ang tornado ay isa sa tatlong tumama sa hilagang Texas sa iisang araw.

Speak Your Mind

*