Pananalasa ng Cyclone Mahasen sa Bangladesh, mahigit 1 Milyong katao ang apektado

Matinding buhos ng ulan at malakas na hangin dala ng bagyong Mahasen ang hinahagupit ngayon sa Southern Bangladesh.

Bagama’t 18 na ang patay sa epektong karatig bansa na Sri Lanka, Myanmar at Northeast India, inaasahang magla-landfall ng bagyo sa Bangladesh ngayong araw

Ayon sa Bangladesh Ministry of Disaster Management, umaabot na sa isang milyong residente ang lumikas dahil ayon sa Meteorological office, mabagal ang paggalaw ng bagyong Mahasen.

Sa ngayon ang Bay of Bengal ang hinahagupit ng bagyo taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras at kumikilos patungong lungsod ng Chittagong at bayan ng Cox’s Bazar.

Ang mga Ferries at Bangka ay sinuspinde habang ipinasara muna ang mga Factories sa paligid ng Bay of Bengal.

Speak Your Mind

*