Pondo para sa Honoraria ng mga gurong nagsilbing BEIS, inilabas na

Nailabas na ang pondo para sa Honoraria ng mga gurong nagsilbing Board of Election Inspectors (BEIS) sa katatapos na Eleksyon.

Ayon kay Education Sec. Armin Luistro, na-deposito na ng Commission on Elections sa Land Bank of the Philippines ang pondo para rito.

Maaari na aniyang i-Withdraw sa pamamagitan ng ATM at Cash Card ng mga gurong nagsilbing BEIS.

Ang bawat guro ay makakatanggap ng 4,000-Piso bilang kabayaran.

Pinabulaanan naman ng DEPED ang ulat na may sinisingil na 200-Piso ang Land Bank para sa Registration Fee para makuha ng mga guro ang kanilang Honoraria

Speak Your Mind

*