PPCRV, tinututukan ang iligal vote buying sa Pangasinan

Mas pina-igting ngayon ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) pangasinan chapter ang kanilang kampanya laban sa talamak ng vote buying sa panahon ng eleksyon.

Ayon kay Father Allan Abuan, pangulo na PPRCV Lingayen-Dagupan, una na silang nagsagawa ng awareness drive sa pamamagitan ng recollection sa pagitan ng PPRCV at kandidato sa Pangasinan upang ipaunawa na mahigpit na ipinagbabawal ang vote buying.

Batay umano sa kanyang obserbasyon, marami na sa mga botante ngayon ang hindi na humihingi ng pera kapalit ng kanilang boto.

Ngunit, ang nakakalungkot lang aniya ay marami naman siyang nababalitaan bagamat wala pa silang kumpletong ibedinsya na marami paring mga kandidato ang gumagawa ng vote buying sa kagustuhan nitong manalo.

Speak Your Mind

*