Sen. Cayetano, nasalita na kaugnay sa umanoy iringan nila ni Sen. Legarda

Nagsalita na rin sa wakas si re-electionist Senator Alan Peter Cayetano kaugnay ng napabalitang iringan nila ng kapwa kasamahan sa Team Pnoy na si Senador Loren Legarda.

Ayon kay Cayetano, mas pinili niyang manahimik at huwag nang sagutin ang isyu tungkol sa kanila ni Legarda para mapanatiling solido ang team pnoy.

Sinabi ni Cayetano na ginawa niya ito kahit batid niyang mababawasan ang boto sa gagawing pananahimik sa isyu.

Una rito, nagpasaring si Legarda na isang kasamahan niya sa team pnoy ang nasa likod ng  paglabas ng umano’y black propaganda laban sa kanya.

Sinabi ni Cayetano na hindi siya kinausap o kinompronta ni legarda tungkol sa alegasyon ng New York condominium.

Speak Your Mind

*