Talamak na rebelyon at insurhensiya sa Nigeria.., State Of Emergency, idineklara na

Nagdeklara ng State of Emergency si Nigerian President Goodluck Jonathan dahil umano sa mga terorista na para sa rebelyon dahilan upang matakot ang mga residente.

Kabilang sa mga estadong isinailalim sa State of Emergency ay ang Borno, Yobe at Adamawa Sa Northeast Nigeria.

Ayon sa pangulo, naging talamak din ang insurhensiya sa walo pang estado kabilang ang nasarawa kung saan ilang pulis ang napatay noong nakaraang linggo.

Binigyang diin ni Jonathan na hindi lang ang mga ito simpleng kriminal kungdi mga terrorist groups na naghahasik ng rebelyon at insurhensiya na banta umano sa unity at territorial integrity.

Ang ilang bahagi aniya ng estado ng Borno ay nasakop na ng nasabing mga grupo.

Speak Your Mind

*