Tensyon sa Taiwan, palalamigin mula bago umaksyon ang Pilipinas

Hinihintay muna ng pilipinas na lumamig ang tensyon sa taiwan bago ayusin ang aberya na nalikha sa pagkamatay ng isang mangingisdang taiwanese.

Ito ayon kay Amadeo Perez, chairman ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) dahil lalong naging kompli­kado ang sitwasyon dahil sa isyu ng “one-china” policy.

 

Gayundin ang pagtawag ng mga taiwanese investigators sa insidente bilang murder.

 

Nagpatupad na ng sanctions ang Taiwan laban sa Pilipinas kung saan ipinatigil nito ang pagkuha ng mga manggagawang pinoy, pinauwi ang kanilang de facto envoy at nagsagawa ng military exercise sa karagatang malapit sa pilipinas.

 

Magugunitang iniulat ng Philippine Coast Guard na ang fishing boat ng taiwan ay pumasok sa teritoryo ng pilipinas at tinangka pang banggain ang kanilang patrol boat.

Speak Your Mind

*