Vice Mayor Belen Fernandez, positibo sa pag-upo bilang Alkalde ng Dagupan

Malinaw na hindi umano magiging hadlang ang sinumang kapareha nito sa lehislatibo ng sangguniang panglungsod sa pagsusulong  ng mga programa para sa Dagupan.

Ito ang naging pahayag ni Elect Mayor Belen Fernandez sa katatapos lang na proklamasyon nito kahapon ng hapon.

Ayon kay Fernandez, lahat ng mga proyekto’t desisyon ay titiyakin nitong transparent, at may kaukulang konsultasyon sa lahat ng mga barangay official at miyembro ng sanggunian panglungsod.

Naniniwala din si Fernandez na hindi magiging rason na may mga hadlang upang isulong ang kanyang mga adhikain para sa lungsod dahil lang sa pagkakaiba-iba ng partido.

Speak Your Mind

*