Vice Mayor Belen Fernandez, umupo na bilang Acting Mayor ng Dagupan dahil sa pagkakasakit ni Mayor Benjie Lim

Umupo na bilang Acting Mayor ng Dagupan City si Vice Mayor Belen Fernandez, ang unang Mayor-Elect ng lungsod, dahil sa pagkakasakit ni Incumbent Mayor Benjie lim, na sa ngayon ay nagpapagaling sa isang ospital sa Maynila.

Epektibo na kahapon, May 16, ang pag-upo ni Acting Mayor Belen Fernandez, at siya muna ang mangangasiwa sa lungsod hanggat hindi pa bumabalik ang nagpapagaling na Alkalde.

Sinabi pa ni Atty Farah Decano, ang napipintong susunod na City Administrator, ang pag-upo ni Acting Mayor Fernandez ay naaayon sa batas, at layuning hindi maantala ang mga serbisyo at programa ng lungsod para sa mga Dagupenyo.

Samantala, dumalo ang lahat ng empleyado ng lungsod sa isinagawang misa, bilang panalangin sa mas mabilis na paggaling ni Mayor Benjie Lim.

 

Speak Your Mind

*