Vote Buying, hindi kailangan para manalo sa Halalan – Congresswoman Marlyn Primicias

Naniniwala si Pangasinan Sixth District Rep. Marlyn Primicias-Agabas na ang pagbili ng boto o vote buying ay hindi kailangang gawin para manalo para sa isang elective office.

Inihalimbawa nito ang kanyang asawa na nanalo bilang alkalde ng bayan tayug na si Tyrone Agabas, na kailanman ay hindi sila nagtangkang bumili ng boto.

Ayon kay Congresswoman Agabas, maaari kang manalo na hindi bibili ng boto, basta totoo at mabuti mo ang iyong serbisyo sa taumbayan.

Nanalo si Tyrone Agabas bilang alkalde ng Tayug na walang kinaanibang partido at tumayong independent, ngunit kahit pagsamahin pa ang mga nakuhang boto ng apat niyang katunggali, ay malaki pa rin ang kanyang kalamangan.

Kabilang sa apat na kanyang nakalaban sina Nelson Mapili ng NPC, Madilyn Cabotaje Ramirez (Liberal Party), Allan Zaragoza (Pwersa ng Masang Pilipino), at Pengkoy de Dios .

Speak Your Mind

*